Sunday, December 11, 2011

67th Monthsary!



Nakakatuwang isipin na sa hinahaba ng pagsasama namin ni Nimmy, hindi pa rin nagbabago ang uri ng aming pag-uusap. Kung sa text man ito o kung magkaharap man kami, aakalain siguro ng sinuman na kami ay may sapak sa utak. Kasi madalas para kaming mga bata o mga sintu-sinto na akala mo’y hinihila ang mga pisngi o kaya’y nilalamutak ang mukha, para lang maging charming o cute.

“I love you mahaaal…”

“Eeeee… Mahal na mahal kita asawa ko…”

Kababawan man ito sa ilang intelektuwal na nilalang, hindi ko sukat isipin na mabubuhay ako kung wala ito bilang parte ng buhay ko. Kumpleto ang buhay ko dahil mayroon isang taong sumasakay sa aking kababawan. Na kahit ano man ang marating ko sa buhay, hindi ako mahihiya na marinig niya ako maghilik habang natutulog, na marami akong pekas sa balat, na minsan kailangan naming mag-usap kahit bagong gising kami at alam niyo naman ang halimuyak ng iyong bibig kapag kakagising mo lang sa umaga. Hindi ako nag-aalinlangan kapag mayroon akong kailangang sabihin sa kanya, tapat ko itong nasasabi, kahit ang gusto ko lang naman sabihin ay mga kung ano-anong walang kwenta.

Minsan nakinig ako sa isang guided meditation at sa isang diskusyon, may nagsalita tungkol sa authentic prosperity. Marami akong natutunan at isa dun ay ang ego mo ay patuloy kang sasabihan na may kulang sa ‘yo. At sa meditation, matututo kang kumawala sa ganitong patibong. Masayang nabuksan ang aking isipan na tila ba ako’y nagising sa katotohanan. Ako ay nabiyayaan ng napakagandang bagay sa buhay ko. Habang ang ilan ay nagkukumahog maghanap  ng kasintahan, at yung iba ay bagot na sa kakahintay, yung iba naman ay busy sa pagkakayod at paghahanap buhay, at ang ilan naman ay mayroong mga kumplikadong suliranin na tinatahak sa buhay nila, ako nama’y masaya na sa mga pagkakataong dumaraan, lalo na ang pagkakataon ng magmahal ng isang tao na alam kong binigay ng Panginoon.

Sa iyo mahal, maligayang ika- 67th monthsary natin.

Asahan mo na patuloy akong susuporta sa mga pangarap mo, at patuloy akong magiging tapat at mapagmahal mong kabiyak.  Ipinagdarasal ko ang mas magandang kinabukasan para sa atin.

Mahal na mahal kita. 

18 comments:

  1. Aww.. "Mahal na mahal kita." Aylavet!

    Happy 67th monthsary!

    ReplyDelete
  2. Hongsweet!! Nikikilig naman!!

    Happy monthsary sa inyo! Wag niyong pansinin yung mga nagsasabing mababaw yun. Inggit lang sila. Hahaha.

    ReplyDelete
  3. yeeehee. congrats sa inyo ni nimmy! :)) sandamukal na happiness pa sa maraming taon pa ng pagsasama :)))

    ReplyDelete
  4. parang mga bata lang ang nasa picture.happy 67 monthsary sa iyong dalawa.

    ReplyDelete
  5. CHEEEEEERS!
    Curious lang, anong gagawin nyo sa 69th? ahahahahahaha

    ReplyDelete
  6. congrats sa anniv and more anniv sa inyong dalawang pusong nagmamahalan :D

    ReplyDelete
  7. so, teary-eyed ako... eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! there.. 'nuff said.. :)

    ReplyDelete
  8. @Leah - salamat ng marami! nasabihan mo na ba si Dylan ng "mahal na mahal kita...?" eeeee

    @Will - hahaha. i think so too. charot lang.

    @mots - teacher mots! naku naman, isang karangalan na kayo'y magcomment sa blog ko. i appreciate it! :)

    @Diamond R - hahaha. mga bata pa naman talaga kami eh, like 16. charot. :)

    @bien - ay teh, kahit hindi 69th monthsary, na-try na namin un. hahahaha. na-try na namin magcelebrate.hahahaha

    @khantotantra - salamat!

    ReplyDelete
  9. @Nate - sa mga keso kong post, hindi makukumpleto kapag wala ang comment mong "eeeeee..." kaya naman ako'y lubhang nagpapasalamat! hahaha. :)

    ReplyDelete
  10. Ako din. Makiki Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee....

    Happy for you guys! :)

    ReplyDelete
  11. happie monsthary sa inio.. stay sweet and strong...

    ReplyDelete
  12. @Louie - hahaha! thanks louie!

    @axl - salamat ng marami! )

    ReplyDelete
  13. Somehow, the way you wrote it seems different from the way you wrote your previous monthsary entries.

    You seem a little more ... hmmm, what's the word ... grounded, earnest? I think what you went through revealed a new dimension of your relationship which allowed you to appreciate and see the beauty of Nimmy more.

    Or perhaps, that's just me?

    Kane

    ReplyDelete
  14. wow happy67th monthsary :) God bless your relationship!

    ReplyDelete
  15. happy monthsary sa inyo at maligayang pasko na rin! :)

    ReplyDelete
  16. ang cute nun picture nyo!hahahah

    at ako na ang super lste mag greet!

    oy merry xmass at happy new year sa inyo haha pinagsabay ko na!oo ako na ang busy!

    ReplyDelete
  17. wow!! galing naman!! congrats and happy monthsary sa inyo!!

    ReplyDelete
  18. Hayyy automatic pag binasa ko blog ng isa, binabasa ko rin yung kalahating bumubuo sa kanya.SHUX O! hahaha!

    Pero antatamis nga ng mga blogs niyo... Nakakatuwa, nakakakilig!!! Tagal ko na kayong sinusundan!

    Happy happy sa inyong dalawa!

    ReplyDelete

Comments Are Always Welcome! :)