Tuesday, January 31, 2017

Bakit Wala Ka Pang Jowa Bes



Sa Twitter. ‘Yan ang lugar kung saan ko madalas mapansin ang mga taong malungkot, masaya or kung ano ano pang hanash nila meron sa life. Diyan rin madalas mapukaw ang atensiyon ko sa mga taong nangangailagan ng kalinga at pang-unawa dahil sa mga pinagdadaanan nila sa life, lalo na kung mag-isa sila sa buhay. Hirap maging single baks eh. 

Maraming paandar sa Twitter. Sila yung mga gustong mapansin. Meron naming mga artists na kung ano anong sh*t in life ang gustong ipamalas. Nakakatawa. Pero madalas, nakikita ko ang sarili ko sa kanila. Kumbaga, relate si gaga lalo na nung single ako. Pansin ko nga, sa kada tweet nila, may fragment sa alaala ko na naging ganun din ako minsan sa buhay. Example, ung mga hanash nila na “Ok naman pala maging single. Daming pwedeng gawin.” Take note sa operative word – single. Siempre, ikukuda mo na single ka, para try lang na mapatibong mo si crush. So I think, let’s start there. Isa-isahin natin ang mga dahilan kung bakit kaya sila single, ayon sa general tweets nila baks. Pawang obserbasyon lang. Hindi ako hihingi ng certificate sa Philippine Mental Health Institute (not sure if this even exist), para sa mga ‘to. Natuwa lang ako sa topic. 

May pake ako kung masaktan kayo kung matamaan kayo, so please comment away! Try niyong i-defend ang kagagahan niyo. Charot lang mars. Malamang matawa lang ako at hindi ko kayo seryosohin. 

So ito ang mga dahilan kung bakit single si baks:

1. Hindi mo pa naranasan ang long-term relationship. Malamang, kaya ka nga single until now. Pero ang gusto ko lang i-point out, baka naman hindi mo na na-feel gumawa ng effort na pahabain ang relasyon mo. Isang root-cause nito ay ang ex mo ay hindi rin nakaranas ng long-term relationship. So ngayon, nga-nga ka. Try ka pa rin ng try magkajowa. Nagkakajowa ka naman pero matagal na ang isang buwan. Pero happy ako kasi nakaya mo naman. Try lang ulit. Malay mo yung next ay swak na. Pero I doubt. Haha! 

2. Dami mong arte. I-define lang natin ung arte. Ma-arte para sa akin ung taong close-minded. Gusto ganito lang, at kapag nag-deviate ka, di na niya feel. Taas ng standard sa ibang tao, pero di naman niya ma-meet sarili niyang standard. Kung ikaw ito, galingan mo pa baks. Taasan mo pa standards mo. I know it’s worth the wait. Lalo na kung 45 years old ka na. Kalansay ka na, naghahanap ka pa rin ng makakasama sa kweba. 

3. Hindi Ka Marunong Gumamit ng Social Media. Alam ko marunong ka mag-login at magcomment and all that sh*t. Pero naman kasi, puro ka kanegahan, or masyado kang ma-arte (please refer to number 2). Try mong maging genuinely na mabait. Meron kasing iba na mabait naman talaga, pero may bait-baitan. Yung mga bait-baitan, ayun, maraming pekeng kaibigan. Try mong gamitin ang Social Media to reach out, learn new things, be genuinely interested sa mga tao. Understand them. Charot. Don’t understand them. Effort ka pa. 

4. Sorry ha, pero baka kasi hindi ka maganda. Alam ko naman na ang kagandahan ay subjective. It’s in the eye of the beholder at kung ano ano pang sh*t. Pero baks, kahit mataas ang confidence mo, kung hindi ka gustuhin, eh hindi ka talaga gustuhin. Try mong i-divert sa ibang bagay. Try mong maging tunay na matalino. Hindi yung google google lang baks. Try mong ayusin ung pakikipag-usap mo. Try mong maging sincere. Pero kung hindi talaga, try mo na muna pa-diamond peel, ayusin mo rin sarili mo. Paano magkakagusto sa yo si crush, hindi ka niya maiintroduce sa mga friends niya, kasi nga, paka-chaka mo. Effort din. May mga kaibigan akong panget dati, pero nagawan ng paraan. Try mo makinig sa mga payo ng friends mo na magpaderma or magpalit ng wardrobe. 

5. Hindi Mo Kilala Sarili Mo. Pansin ko ‘to sa Twitter. Walang trend sa mga sinasabi. Or kung may trend man, pasok sa reasons 1-4. Passé man, pero be yourself. Ano ba gusto mo talaga sa life mo? Gusto mo bang maging dancer? Isang businessman? Poet? Construction Worker? Baker? Show your consistent self. Hindi kung ano-anong kagagahan. Most likely, guys would like someone consistent, or nageevolve ng onti-onti. Which leads me to – 

6. Evolve – gaga, hindi ka butterfly. Pero sana magevolve yung ugali mo, or mag-grow ka as a person. Hindi yung isang taon na, lasengga ka pa rin. Isang taon na, puro ka SEB. Isang taon na, pakatanga mo pa rin sa ex mo. Isang taon na, hilig mo pa rin mang-bash, eh hindi ka naman maganda. 

7. Takot ka magmahal. Love is a risk worth taking. Wala namang tanga na nagmamahal to begin with. Tanga lang kapag naperahan ka na or nanakawan ka na, mahal mo pa rin. Takot ka kasi baka mareject ka. Sa totoo lang, sino ba gusto mareject. Pero kasi girl, kung hindi ka marereject, paano mo malalaman kung may pag-asa ka. Si madam Auring ka ba na huhulaan lang ang feelings ni crush. Abay gaga ka nga. 

8. Choosy ka masyado. Iba to sa #2. Kapag choosy ka, ibig sabihin nun marami kang choices. Tapos yung choices mo in life, sobrang poor. Example, crush na ng crush mo. Pero ate, choosy ka sa lugar, pagkain, at kung ano anong activities. Ayaw mo mag-adjust sa kasama mo, kasi ang taas ng tingin mo sa sarili mo. Wag ka na magjowa. Love Yourself, sabi nga ni Justin Bieber

9. Tamad ka. Having a relationship take some effort. Maghatid, meet-up, magtext and all that shibambamboom. Pero since tamad ka at madalas ka tulog sa kangkungan, eh nabobore ang mga ka-date mo. You know how to change this. Matanda ka na baks.

10. You don’t have much friends. Quality over quantity to mamshie. Check mo, ilan ba ang mga friends mo from high school. Yung level na mauutangan mo. Kung more than 5 yan, well, congratulation, pang-friendship material ka lang. Hahaha, mejo magulo. Pero you know what I mean, I hope. 

11. Eto na, final na. Napapagod na ako. Last reason is… malandi ka bez. Hindi ka pwede makipagjowa kung saksakan ka ng flirt. Kahit open si partner sa ganyan, may saturation period yan. Kaya in the end, either short-term relationship ka lang, or talagang single ka for life kasi ang kati mo baks. Kasing kati mo yung dagta ng gabi at dinurog na buhok ng higad. 

So ayun na nga. Daming kuda. I’m not a relationship guru, but these are just some of the things I’ve observed in my 29 years of existence. Charot sa 29. In the greater scheme of things, ang importante naman ay masaya ka kung single or may partner ka. And by masaya, I mean, ito yung estado na nagagawa mo ang gusto mo na ayon sa puso mo at kuntento ka sa mga pangangailangan mo bilang babae or feeling babae, whichever is appropriate. At kung wala sa estado na yun, pwede ba, kumuda ka na lang ng mga bagay na tingin mo HINDI makakaapekto ng masama sa iba. In short, be considerate. Be mature enough to understand na hindi man ito ang gusto mo, darating din ang panahon na aayon din ang lahat sa kagustuhan mo. Cheka. Maganda ka ba?