***UPDATE: Somebody stole my password in blogger and used my identity to write this article. I'm really not happy with what have happened. Currently an investigation is taking place. IP addresses that I have generated from a website which tracked down the access points where my blog has been utilized are currently being validated to spot the area and time of access. With recent technology, I trust that this can be resolved at the soonest possible time.
To the person who wrote this,
Despite the abhorrence I feel from the fact of you stealing my password, I am still giving respect for your freedom of expression. You deserve it.
I know you are going through a lot. Let me give you my sincerest hug. Release your anxiety to the universe and rekindle your spirit. You are strong. Remember that.
Leo
___________________________________
Kinati ako bigla magsulat ng gaguhan lang. Yung tipong kung ano lang maisip. Kasi kanina, napagtanto ko na ang buhay, parang pandesal lang. Simple, payak at abot kaya. Wala naman siya kinalaman sa unang dalawang pangungusap ko. Naisip ko lang yung kasabihan na yun, kasi pandesal ang almusal ko kaninang umaga. Hindi naman kasi bagay kainin ung pandesal sa tanghalian. Kasi kapag ginawa ko yun, malilito ako sa oras. Ayaw ko malito. Kasi ang pandesal ang aking pinaghuhugutan ng inspirasyon. Gusto ko tahakin ang buhay na simple, payak at abot kaya. Kung malilito ako, hindi ako magiging pandesal. Baka mamon ang kabagsakan ko.
***
Sa panahon ngayon, ang dami na nagkalat na basura. Minsan, hindi mo na matutukoy ang basura sa mga gamit na maayos at napapapakinabangan pa. Magugulat ka pa nga, kasi may katabi ka sa dyip, na amoy basura at mukhang basura. Mapapatanong ka sa sarili mo, hindi ba uso ang "garbage segragation" sa bahay nila? Bakit siya magulo? Siguro hindi siya nakapag-almusal ng pandesal.
***
Eto, gaguhan na talaga. Sino sa inyo ang nakapanood na ng Ms. Gay? Ako hindi ko pa naranasan makapanood ng ganyan sa totoong buhay. Ano nga naman ang silbi ng Youtube kung hindi ako makakapanood ng paligsahan ng mga kabaro ko. Masaya silang panoorin. Napapaisip tuloy ako, "Aanhin mo ang ganda, kung ang tingin sa iyo ay kwela."
***
Ganito pala magsulat ng Tagalog sa blogger. Madugo. Ang daming pulang linya sa bawat salitang tinitipa. 'Di ba ang sabi sila ang kulay pula ay nagdadala ng swerte? Ito rin daw ang kulay na sumisimbolo sa pag-ibig. Pula. Ang kulay ng dugo, mansanas, rosas, mga labi, mga mata ng sabog, at latay. Ang pula rin ay simbolo ng naglalagablab na apoy. Pero teka, bakit seryoso na ito? Akala ko ba ay gaguhan lang?
***
Nanonood ba kayo ng balita? Sakit sa ulo marinig ang paulit ulit na problema ng mga Pilipino. Baha, kriminalidad, pangungurakot, tsismisan at kung ano ano pang mga suliranin ng mga tao. Masakit sa ulo kung iisipin mo. Ngunit, napakadali magbigay ng suhestiyon o pawang solusyon sa mga isyu. Marahil, naisip na rin nila ang naiisip mo, pero saan nagkulang? May pagkilos ka bang nabanaag sa mga plano at plataporma ng mga trapong pulitiko? Marahil wala. Kaya para sa mga kababayan ko, J.A.P.A.N. Just Always Pray at Night.
***
Katamaran at pagkabagot. Isa sa mga suliranin... Hindi ko tatapusin ang talatang ito. Ako ang tamad at bagot.
***
Kanina, sinubukan ko ulit sumakay ng jeep. Pinilit ko iaabot ang bayad ng katabi ko, pero parang walang nakita o narinig ang taong nakaupo malapit sa nagmamaneho. Naisip ko, ayaw niya madumihan ang kanyang kamay. O kaya, bingi siya. O kaya, maarte siya at ayaw niyang kumilos at tulungan ang nakikisuyo. Hindi ko gusto ang ganitong asal. Para itong pagsasabing, "mas nakaka-angat ako sa iyo." Kung ganito ang iyong pagiisip, ikaw nga ay aangat na parang kaluluwa balang araw. Naisip mo ba na sa kultura natin, maagap ang mga nasa tabi ng driver? Sila ang nagaabot. Kung hindi mo gusto ang kulturang ito, wala kang magagawa kung ikaw ay sasakay sa jeep. Iabot mo ang pamasahe, huwag kang umarte. Kaltukin ko kaya ang ribs mo.
***
Hindi ko na paborito si Piolo. Tingin ko, walang tatagal na relasyon sa kanya. Sa nakikita ko sa kaniyang mga proyekto, siya ang taong may mataas na level ng focus sa trabaho, hindi niya kinakailangan ng babae sa kanyang tinatahak na landas. Siya marahil ang typical na lalake na hindi sumeseryoso sa relasyon. Kung sabihin man niya na seryoso siya, marahil ito ay noong mga unang buwan niya sa pakikipagrelasyon. Ngunit gaya ng pagkain ng maraming baboy sa handaan, nauumay siya kaagad. Malamang, may iba silang rason kung bakit sila hindi nagkakaintindihan. Pero napansin ko, nasasabik ako makita ang pagbangon ni KC. Sana huwag na siya mag-artista. Tahakin niya sana ang pagiging opisyal ng UN, o ang pagiging Presidente ng isang malaking kumpanya o maging news anchor. Matalino siya, at nag-aral sa France. Gamitin niya ang yaman niya hindi sa pagbibigay sa charity, kung hindi sa pagbibigay ng trabaho at kalinangan. Huwag na siya sumabak sa pulitika. Tama na si Aiko Melendez.
***
Ito na ata ang pinakamahabang nasulat ko na Tagalog sa blog. Hindi ako sanay. Paumanhin sa mga mali-mali ko. Magagalit marahil ang propesor ko sa Panitikang Panlipunan. Pasensiya na sa mga gagu-gago kong kuro-kuro.
***
Nakuha ko sa isang kaibigan - SUGPO ka kung panget ka pero ang iyong katawan naman ay maalindog. LOLLIPOP ka naman kung gwapo/maganda ka, pero ang katawan mo naman ay kahulma ng drum o kaya naman ay kinulang ka sa pagkain ng masusustansiyang gulay. Gayahin mo na lang ang BUKO. Panget na mukha, panget na katawan, pero - malinis naman ang kalooban.
***
Wala na ako maisip. Naubos na ang Tagalog ko.
***
Of coursed, I'm not end my article if I've non-English in here today. Of coursed, I'm blog in English ever since before it was create. I story my friends, Michael, I remember he rights in the blackboard one times. He saiding, "There are many puppies in the classroom." It was give me a sentence by the teacher. I was laugh really. Oh c'mon? Michael? Puppies are you sure? I'm want to see if that was true. But he was joke only. Before many years, I saw him again and again. I telled him, Michael, you do not forget the puppies? Write? I get shocking. He repeats what he rights there and there. Michael is slowly learners. I telled myself, I'm win the battle of the brains. I English more in the writing and the reading too. I practicing everyday. Monday, Tuesday until there is day. Until night time. Then I waken up, well, well, well, it was good morning again. The end.
______________________________
Special Note as of 2:20pm 10/15: After the expected confusion to my dear readers expressed through some comments, I'd like to apologize and reveal to you all, that the person responsible for this writing, is my ALTER EGO. This is a rare case of blogger multiple personality syndrome. Don't you worry, I'm on a rehab, and taking medicines which I can't even pronounce. Just kidding. :)
______________________________
Special Note as of 2:20pm 10/15: After the expected confusion to my dear readers expressed through some comments, I'd like to apologize and reveal to you all, that the person responsible for this writing, is my ALTER EGO. This is a rare case of blogger multiple personality syndrome. Don't you worry, I'm on a rehab, and taking medicines which I can't even pronounce. Just kidding. :)
after a few days of not having been able to bloghop, was excited to see a new blog entry from you, only to find out a coward chose to share his/her thoughts under your name. good of you to keep it there under the freedom of expression, but i'd rather read the recent entries that i missed from the one that i truly followed. have a good weekend leo! :)
ReplyDelete@leo: friend!! i admire you for keeping this one.. siguro nga may pinagdadaanan yung taong yun and he just needed to write it out or he'd lose his wits..
ReplyDeletemas ok sana kung gumawa nlng sya ng sariling blog instead of hacking someone else's..
naisip ko rin, maybe.. just maybe.. he didn't only want to write what's going on in his read.. he wanted people to read him.. marami kang followers so yun..
@sean- haha, the coward you were referring was my alter ego! Have a good weekend too!
ReplyDeleteano naman ang pumasok sa utak nito na gamitin ang blog mo ng ganyan ganyan na lang.
ReplyDeleteTutubuan ng pigsa sa noo ang gumawa nito friend kaya makikilala mo agad kung sino man yan.
ReplyDeleteBut anyways, amusing ang alter ego na yan.
Palagay ko americano ang tatay nya. Hindi kasi madalas ang 'ego' sa apelyidong pinoy.
hihi.
Smile ka na lang, and keep safe.
@Ayie - Hahaha! May naalala lang ako sa pigsa mars. Share ko lang, may iniinterview ako dating aplikante. Tinanong ko kung minsan ba ay umabasent na siya sa trabaho, sabi niya, "yes sir, it's just that it's really painful having stigmata." Nagulat ako, kasi isang milagro ang pagkakaroon ng gift of stigmata, siguro alam mo yun, ung dumudugo ung palad na parang kay Kristo. So sabi ko, "Have you sought help from the church?" Sagot siya, "why sir?" so in-explain ko sa kanya ang stigmata.
ReplyDeleteNagpaumanhin siya, kasi pigsa pala ung tinutukoy niya. Hindi raw siya sigurado sa ingles ng pigsa.
Toinks! :) Salamat mare, I'm good na. :)
unang kita pa lang sa article, its so not you. ipagasal na lang natin cya nang matahimik ang kanyang kaluluwa. chos.
ReplyDeleteHmm.. ilang blogs na rin ang napuntahan ko dati na meron ding same problem.. merong nag-open ng blog nila, then gumawa ng post.. Roanne, I think.. then si Rap din. I dunno kung pareho kayo ng sitwasyon.. but it looks like it.. :( Pfft, hackers.
ReplyDeleteOw may gulay. so bleeding my noses. I'm not understandings your post so me is slow readings the words repeat and repeat and repeats, that is three times four. :p
@Ronron - hahaha. Salamat! :) akmang akma ang comment mo, kasi malapit na ang araw ng mga kaluluwa. in fairness, nag-enjoy ako sa sinulat niya. charot.
ReplyDelete@Leah - hahaha! natuwa ako sa englishness mo mare!!! sa di ko maipalawanag na kadahilanan, naintindihan ko siya!!! hahaha.