PNP: SM Pampanga shooting incident a closed case, but…
abs-cbnNEWS.com
Posted at 10/16/2011 3:31 PM | Updated as of 10/16/2011 3:31 PM
MANILA, Philippines - The Pampanga Philippine National Police (PNP) already considers the SM shooting incident involving two minors a closed case despite possibilities raised by one of the victims' family.
The family claimed that a third party may be involved in the killing, as gleaned from an amateur video of the incident that made the rounds in the Internet last week.
Pampanga PNP spokesperson Superintendent Jhoanna Rosales told ANC that all evidence gathered by police pointed to the 13-year-old victim as the one who shot his friend and ultimately, himself.
She said, however, that they are willing to reopen the investigation if their initial findings will be challenged. – from ANC
Naging paksa kamakailan sa mga programa sa telebisyon, radyo, diaryo at internet ang balita ukol sa pagkakamatay ng isang kabataang lalake at ng kaniyang kinikilalang nobyo sa SM Pampanga. Usap usapan din ang naging video na kumalat sa Youtube na tumuligsa sa sangkapulisan at pamamahala ng SM. Sa pagkitil sa kaniyang buhay at sa kanyang minamahal ay totoo namang isang napakasakit na pangyayari at yugto sa mga buhay ng mga magulang nitong dalawa. Hiling ko na ang kasong ito ay magsasara ng may aral na kalakip sa lahat.
Sa totoo lang, hindi naging maganda ang epekto ng panonood ko sa video nila. Araw araw ko naiiisip ang hirap at sakit na pinagdaanan nila na humantong sa isang napakalungkot na pangyayari. Marahil isa itong naguumapaw na awa sa kanilang sinapit. Hindi ko man buong nalalaman ang sitwasyon nilang dalawa, dinala ako ng pangyayaring ito sa pag-iisip ng aking mga karanasan sa pag-ibig.
Sa aking murang edad na anim na taon, naranasan ko ang magkagusto sa aking kalaro. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko noon. Hindi ko maipaliwanag ang aking kagustuhan na lagi siyang nakikita. Ngunit sa panonood ng TV at pakikiramdam sa kapaligiran, nalaman ko na ito'y mali, at walang sinuman ang dapat makaalam. Dumating ang ilang pang taon, nalaman ko na ako'y iba sa normal. Naging tampulan ng tuksuhan ng mga kaklase at kaibigan. Alam ko na ako'y bakla.
Nang nalaman ko na labing-tatlo lang ang isa sa mga namatay, naisip ko ang panahon na ako'y nasa first year high school. Ito ang panahon na ako'y sigurado na sa aking kasarian. Sa panahong ito, natuto ako makipagkaibigan sa maraming kaedad. Isang barkada ang aking nasumpungan. Masaya ako na ako'y kanilang tanggap. Ito rin ang panahon na gusto kong kumawala sa paningin ng aking mga magulang. Batid ko nun na malaya akong mag-isip sa sarili. Alam ko ang gusto ko noon.
Sa panahong yaon, isang biyaya ang magkaroon ng ka-grupo. Isang napakalaking tulong na makausap ang mga taong naiintindihan ka sa iyong pinagdaraan. Hindi pa nauuso ang internet noon, kaya ang pakikipag-usap ay nasesentro sa personal na pamamaraan. Batid mong ika'y hindi nag-iisa sa pagsubok na nakatanikala.
Sa panahong ito, natuto ako magmahal sa sarili. Nabatid ko na ako'y importante. Natuto ako maging mabuting kaibigan. Natuto ako makinig sa iba, at matuto sa kanilang karanasan at problema. Masaya ang mga panahon na iyon kahit na ang pamumuhay ng aming pamilya ay hikahos. Sagana naman ako sa atensiyon at pagmamahal.
Walang sinuman ang may karapatan na humusga sa mga pinagdaanan ninuman, lalong lalo na sa dalawang batang biktima. Ang pangyayaring iyon ay isang aral hindi lamang sa magulang, kundi pati na rin sa mga anak.
Madali na lang sa panahon ngayon maniwala sa iba't ibang bagay na dala ng internet. Ngunit hindi matatawaran ang aral ng mga magulang. Hindi sa sinasabi kong maging mahigpit ang mga ama at ina, bagkus, marahil ay marapat na busugin ng atensiyon at gabay ang mga kabataan higit sa panahon ngayon. Sa mga kaibigan at kabarkada, tibayan ang pagkakaibigan at magbigay ng panahon sa pakikinig sa iba. Huwag mong hayaan mapahamak at magisip ng masama ang kaibigan mo.
At sa mga kabataan ngayon, magmahal kayo ng ayon sa nararapat. Higit kailanman, ang pagmamahal sa Diyos ay una sa listahan. Napakasarap mabuhay lalo na kung nabubuhay ka na may pangarap. Magdasal at ibigin mo ang Panginoon na nagbibigay sa iyo ng biyaya. Mahalin mo ang magulang mo. Marami na silang pinagdaanan. Matuto ka sa mga sinasabi nila. Huwag mong paliitin ang mundo dahil sa iyong kasintahan, bagkus, gawin mo siyang inspirasyon para sa isang buhay na mas maunlad. Hindi natatapos ang mundo sa iisang tao lamang. Ginawa ka ng Panginoon para magsilbi sa kapwa. Gamitin mo ang talento at kakayahang ibinigay sa iyo. At kung hindi ka man magtagumpay, isipin mo na hindi ito balakid para hindi magmamahal muli.
Tayo lahat ay babalik sa Panginoong Maykapal, mas maganda bumalik sa Ama na may masasabi kang nagmahal ka sa buhay na iyong tinanggap at sa mga buhay na Kaniyang nilikha...
Tayo lahat ay babalik sa Panginoong Maykapal, mas maganda bumalik sa Ama na may masasabi kang nagmahal ka sa buhay na iyong tinanggap at sa mga buhay na Kaniyang nilikha...
napanood ko rin yung video ng dalawang teenager na yun, at naawa ako sa sinapit nila. masyadong complicated yung situation at hindi natin dapat sila husgahan. yung iba kasi ay akala mo kung sinong magaling at kainaman na kung magbigay ng negatibong komento. di ba?
ReplyDeletehindi ako perpektong tao (dahil aminado naman akong siraulo ako at times. lol) pero alam ko sa sarili ko yung salitang 'respeto'.
lahat ng ginagawa ng isang tao ay may dahilan, mabuti man ito o masama. matuto tayong tanggapin ang lahat ng ito at irespeto sila kahit pa alam nating hindi tama ang ilan sa kanilang ginagawa.
isang beses lang naman tayong mabubuhay sa mundo, kaya hayaan na lang natin gawin ang mga bagay na gustong gawin ng bawat isa.
(ang haba ng comment ko. blog ko 'to?? hahaha!)
opo kuya leo.. *feeling bata*
ReplyDeletea really nice post you got here.. parang serious lahat ng posts mo lately.. signs of aging? lels. :P
@SOB - maraming salamat carlo sa iyong napakahabang komento! hahaha. ikinatutuwa ko ito.:)
ReplyDeleteisang punto de vista lamang lalo na sa iyong huling pahayag. tama ang pagkakaroon ng respeto sa mga taong gustong gawin ng bawat isa, marahil isang magandang paksa yan sa ibang blog entry. ang akin lamang ay, marapat na magkaroon ng maayos na pag-gabay sa kabataan lalo na sa panahon ngayon. dapat alam ng lahat ay may limitasyon. ang pagkitil ng sariling buhay ay isang napakalungkot na pangyayari, at ito'y aking kinokondena.
@Nate - makinig ka sa akin hijo! :) hahaha!!!
Hiling ko lang na kapulutan ito ng aral ng lahat ng nakapanuod.Life is beautiful para sayangin sa kung ano man ang gumugulo sayo ngayon.Buksan natin ang ating puso at maging handang tumangap para sa lahat.
ReplyDeleteOPo... pagmay love life na.. hehhee
ReplyDelete@Diamond R - Nawa'y makarating sa kabataan ang iyong sinabi. Pagbukas ng puso at pagtanggap para sa lahat... Galing.
ReplyDelete@Kikomaxxx - Very good. :)
Disturbing 'yung video for me.
ReplyDeletePasok pa po ba ako sa "kabataan"? haha
Kidding aside, at their age, I never thought something like that would happen, or if they are even capable of loving that much. Ang tragic nung nangyari.
thanks to all the words, sir!
happy birthday din! :)
ang lipunan natin ngayon, karamihan nagaalipusta ng ikatlong kasarian na wala namang hinangad kundi mamuhay lang sa mundo. wala namang inaalipusta o sinasagaan.
ReplyDelete@charles. - haha, as long as you're not over 35 years old, part ka ng kabataan. hehe. gawa gawa ko yan na rule. i agree with ya. it's so tragic and i can't phatom the fact that they are capable of killing themselves.
ReplyDeletesalamat sa greetings, sa 20th pa birthday ko! hihi
@Bino - uy, magaling ka na ba?
tama ka, it's still a society that thinks 3rd sex is still taboo. 2011 na kaya. nakakalungkot.
No one can and should tell somehow how to live and end their life. Life is a gift and not an obligation bestowed by some heathen god seating in a lightning throne.
ReplyDelete.
.
Ito yung natutunan ko sa Spanish film na Mar Andentro. Dun ko mas naintindihan yung nangyari sa magkasintahan. Huwag din sanang husgahan ng karamihan ang kabataan nila dahil hindi edad ang nagdidikta ng kalinawan at kahusayan ng pag-iisip ng isang indibidwal.
.
.
Mahiwaga ang buhay at bahagi tayo ng hiwaga nito. Ang ipinagdadasal ko lang ngayon ay sana kung nasaan man sila, matanggap nila ang pagtanggap, respeto at pagmamahal na marahil ay hinanap nila sa mundong kinabibilangan natin ngayon ngunit tila naging mailap.
@DB - naniniwala pa rin ako na ang pag-gabay sa kabataan ng mga mabuting magulang ay isang matibay na sandigan ng isang tao. ano na lang ang buhay kung wala sila...
ReplyDeletenakakapagod isipin ang napakaraming di kanais-nais na mga balita sa panahon ngayon, lalo na ang mga krimen na kinabibilangan ng mga kabataan.
nasaan ang mga magulang sa oras na sila'y nalulungkot at naguguluhan? sila na dapat gumagabay at nagmamahal sa kanila? :(