Nakakatuwang isipin na sa hinahaba ng pagsasama namin ni
Nimmy, hindi pa rin nagbabago ang uri ng aming pag-uusap. Kung sa text man ito
o kung magkaharap man kami, aakalain siguro ng sinuman na kami ay may sapak sa
utak. Kasi madalas para kaming mga bata o mga sintu-sinto na akala mo’y
hinihila ang mga pisngi o kaya’y nilalamutak ang mukha, para lang maging
charming o cute.
“I love you mahaaal…”
“Eeeee… Mahal na mahal kita asawa ko…”
Kababawan man ito sa ilang intelektuwal na nilalang, hindi
ko sukat isipin na mabubuhay ako kung wala ito bilang parte ng buhay ko. Kumpleto ang buhay ko dahil mayroon isang taong sumasakay sa aking kababawan. Na kahit
ano man ang marating ko sa buhay, hindi ako mahihiya na marinig niya ako
maghilik habang natutulog, na marami akong pekas sa balat, na minsan kailangan naming
mag-usap kahit bagong gising kami at alam niyo naman ang halimuyak ng iyong
bibig kapag kakagising mo lang sa umaga. Hindi ako nag-aalinlangan kapag
mayroon akong kailangang sabihin sa kanya, tapat ko itong nasasabi, kahit ang
gusto ko lang naman sabihin ay mga kung ano-anong walang kwenta.
Minsan nakinig ako sa isang guided meditation at sa isang
diskusyon, may nagsalita tungkol sa authentic prosperity. Marami akong
natutunan at isa dun ay ang ego mo ay patuloy kang sasabihan
na may kulang sa ‘yo. At sa meditation, matututo kang kumawala sa ganitong patibong. Masayang nabuksan ang aking isipan na tila ba ako’y
nagising sa katotohanan. Ako ay nabiyayaan ng napakagandang bagay sa buhay ko.
Habang ang ilan ay nagkukumahog maghanap ng kasintahan, at yung iba ay bagot na sa
kakahintay, yung iba naman ay busy sa pagkakayod at paghahanap buhay, at ang
ilan naman ay mayroong mga kumplikadong suliranin na tinatahak sa buhay nila,
ako nama’y masaya na sa mga pagkakataong dumaraan, lalo na ang pagkakataon ng
magmahal ng isang tao na alam kong binigay ng Panginoon.
Sa iyo mahal, maligayang ika- 67th monthsary
natin.
Asahan mo na patuloy akong susuporta sa mga pangarap mo, at
patuloy akong magiging tapat at mapagmahal mong kabiyak. Ipinagdarasal ko ang mas magandang
kinabukasan para sa atin.
Mahal na mahal kita.
Aww.. "Mahal na mahal kita." Aylavet!
ReplyDeleteHappy 67th monthsary!
Hongsweet!! Nikikilig naman!!
ReplyDeleteHappy monthsary sa inyo! Wag niyong pansinin yung mga nagsasabing mababaw yun. Inggit lang sila. Hahaha.
yeeehee. congrats sa inyo ni nimmy! :)) sandamukal na happiness pa sa maraming taon pa ng pagsasama :)))
ReplyDeleteparang mga bata lang ang nasa picture.happy 67 monthsary sa iyong dalawa.
ReplyDeleteCHEEEEEERS!
ReplyDeleteCurious lang, anong gagawin nyo sa 69th? ahahahahahaha
congrats sa anniv and more anniv sa inyong dalawang pusong nagmamahalan :D
ReplyDeleteso, teary-eyed ako... eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! there.. 'nuff said.. :)
ReplyDelete@Leah - salamat ng marami! nasabihan mo na ba si Dylan ng "mahal na mahal kita...?" eeeee
ReplyDelete@Will - hahaha. i think so too. charot lang.
@mots - teacher mots! naku naman, isang karangalan na kayo'y magcomment sa blog ko. i appreciate it! :)
@Diamond R - hahaha. mga bata pa naman talaga kami eh, like 16. charot. :)
@bien - ay teh, kahit hindi 69th monthsary, na-try na namin un. hahahaha. na-try na namin magcelebrate.hahahaha
@khantotantra - salamat!
@Nate - sa mga keso kong post, hindi makukumpleto kapag wala ang comment mong "eeeeee..." kaya naman ako'y lubhang nagpapasalamat! hahaha. :)
ReplyDeleteAko din. Makiki Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee....
ReplyDeleteHappy for you guys! :)
happie monsthary sa inio.. stay sweet and strong...
ReplyDelete@Louie - hahaha! thanks louie!
ReplyDelete@axl - salamat ng marami! )
Somehow, the way you wrote it seems different from the way you wrote your previous monthsary entries.
ReplyDeleteYou seem a little more ... hmmm, what's the word ... grounded, earnest? I think what you went through revealed a new dimension of your relationship which allowed you to appreciate and see the beauty of Nimmy more.
Or perhaps, that's just me?
Kane
wow happy67th monthsary :) God bless your relationship!
ReplyDeletehappy monthsary sa inyo at maligayang pasko na rin! :)
ReplyDeleteang cute nun picture nyo!hahahah
ReplyDeleteat ako na ang super lste mag greet!
oy merry xmass at happy new year sa inyo haha pinagsabay ko na!oo ako na ang busy!
wow!! galing naman!! congrats and happy monthsary sa inyo!!
ReplyDeleteHayyy automatic pag binasa ko blog ng isa, binabasa ko rin yung kalahating bumubuo sa kanya.SHUX O! hahaha!
ReplyDeletePero antatamis nga ng mga blogs niyo... Nakakatuwa, nakakakilig!!! Tagal ko na kayong sinusundan!
Happy happy sa inyong dalawa!