I got home at around 11am yesterday morning. My first day on a very graveyard shift was a bit tiring. Tiring kasi nakakaantok at tiring dahil wala akong ginawang may significance sa aking trabaho. Nagmistula akong counselor sa isang QA specialist, taga-decide sa mali-maling schedule ng Work Force, and of course - nag-cyber slacking ako all day round.
When I got home, pinatakbo ko muna si Dominador. My neighbor advised me to at least turn on my car's engine if I'm not gonna use it. Masisira daw kapag di pinapaandar. My dad second the motion. Nagpractice ako mag-parking. In my driving career, parking is the most challenging talaga. Sobrang bilib tuloy ako sa mga driver na nakakapag-parallel parking. Paano kaya nila ginagawa un? Balak ko na kumuha ng license sa Friday kahit di pa rin flawless ang aking parking.
Few more minutes after spending time with my car, naligo ako at natulog. Wala pa si Nimmy nung nakatulog ako. Few hours more, nagising na lang ako sa yakap ni mahal. Haay. Our yapusan moments are really priceless. Swerte ko sa napaka-malambing kong asawa.
At natulog ako maghapon hanggang gabi.
Then I decided, papasok na ako. Sunday dito at di ko alam kung may PUJ pa. Buti na lang meron. Ngayon ko namiss si Dominador. Dapat nadadala ko na siya sa office. But I still can't because I still don't have my non-pro license.
Napasakay ako ng cab dahil wala na akong masakyan ulit. Mind you, four rides ang ginagawa ko araw araw. Pero keber lang. Si manong driver medyo friendly. Probably gusto ng tip. Well, wag na siya umasa sa akin. Ang kulit niya and he asked me kung ano spelling ng Essensa. Natawa na lang ako at pinatulan ang tanong niya. "Ahhhh... un pala un," sabi niya.
Pagdating ko ng office, walang masyadong event. Pero ok na rin na ganito. I feel so relaxed. Now I know kung bakit ako dapat matuwa sa schedule ko.
Keri na. :)
No comments:
Post a Comment
Comments Are Always Welcome! :)