Ok, mahirap to para sa akin. In reality kasi, I'm a very quiet person. Complete opposite ni Nimmy. Pero parang pareho kami minsan. Kasi tahimik din siya. Actually, sa blog lang siya maingay. Hahaha. Pero this time, try ko nga maging madaldal. Yung tipong, magkukuwento lang ako sa iyo.
Let me start. Ako si Leo. Ok, Leomer buo kong name. Nakuha name ko sa pangalan ng aking itay, Leonardo. Si inay naman si Myrna. Kaya ayun, Leomer. Panganay ako, kaya pinagsama name nila pareho. Malas ba yun? Actually hindi, feeling ko, keri naman. Lumaki ako na walang kapangalan. Pero lumaki ako na ang mga kaibigan ko, iba ibang version ang pronunciation ng name ko. "U-mer, Leoh-mer, Mher, Yow-mer." Kainis lang.
Ipinanganak ako sa Paranaque. Kung saan ko binili ang kotse kong binangga ko nung first day. Kalurky.
I work as a manager. Dating taga-bangko, pero natukso magtrabaho sa call center. Agent, supervisor, quality sup, quality manager at team manager. Yan mga roles ko sa industry. Aangal pa ba ako? Masaya naman. Pero I know hindi ako tatagal sa industriya na to. I want an above average life. Makasama ko lang si Nimmy having the same lifestyle which we have right now, ok na. Well, you may ask, ano ba lifestyle namin? Masaya lang kami na may food sa ref, pantry, go places where we want - and when I say places, gusto lang namin sa beach, mga eklat eklat sa mall at nature. Yun lang. Very simple. Pareho kaming napaka-domesticated. Mabubuhay kami sa kwarto namin, basta bukas ang aircon or electric fan, laptop at comfortable and higaan. Well, for some, hindi na ito simple, pero for a couple like us na kumikita, super simple nito. I can see myself few years from now na settled-down sa farm namin. Yun ang gusto ko. Tapos paminsan minsan lang lumalabas ng bahay.
Sa usapin ng pagkakaroon ng anak... Well, nakakatawa.. Kasi minsan, naaliw ako sa baby doll. First year anniversary namin ni Nimmy. My team and I went to Baguio of course with Nimmy. Dun sa transient house, may baby doll na parang totoong baby. Super cute. Itatabi ko sana pagtulog. Pero siempre, natakot si Nimmy. Pero dun nagstart ung pag-iiisip ko na magkaroon ng junakis. Friends advised me, "dogs muna.... kasi kapag nag-ampon kayo tapos di naman nagworkout, kawawa naman ung bata..." May point namin sila. Last week, when I went to the dentist, may shitzu na sumalubong sa akin. Pet ni doktora. Ayun, my defenses went down. Kinarga ko si dog at ginawang parang sanggol. Last week din, dinala ng officemate ko ung anak niyang three years old. Di ako nakapagtrabaho ng maayos. I suddenly became a nanny that time, but I super enjoyed it. As in. Nimmy and I will surely talk about this topic soon. We're not getting any younger. I think, dadating sa point na may makulit na magiingay sa house namin. Can't wait for that. :)
I'm the eldest to my sister and brother. Tatlo lang kami. We're of different characters. Pero pareho kaming tatlong mahilig kumain at tumawa. Sumpungin si bunso. Typical na emo. Frustrated band member pero loving boyfriend sa girlfriend niya. Ung kapatid ko na sumunod sa akin, sister ko naman yun na ang trip ay mang-okray at tumawa. Super saya niya kasama. Kaya maraming friends. Mana raw yun sa akin. Kasi pareho kami matalino. Yikes.
As a friend, ako ung tipong hingian ng advice. Magaling ata ako sa department na yun. I know how to raise morale of a person. Medyo ganun ako eh. Parang Paula Abdul, I can see the positive side of every person. Pero hirap ako mag-advise sa sarili ko. I need Nimmy to keep my feet off the ground. He's younger, pero mas practical siya mag-isip sa akin. Sa career ko, I have several mentors. Super galing at bait nila sa akin. They always see my strengths and they know how to address my opportunities.
Well, for some, I may be boring. Pero ganun talaga eh. I usually open up sa babae. Mas madali
ako makipagchikahan sa girls. Dun kami magkaiba ni Nimmy. Si Nimmy may close-buds na straights. Eeeew. Hahaha.
Ano pa ba ang gusto ko sabihin? Birthday ko sa October 20. I'm turning 30 na this year. I'm a Libra and under the Metal Monkey naman sa Chinese zodiac. It's not a good year daw for me this 2010. I beg to differ. Maswerte pa rin ako sa ibang mga bagay. I think isa na dun ung attitude ko na positive. Knowing what's been happening to me lately, I know that it's not yet the end of it. Happiness daw is a mental state. I feel blessed and hindi lahat ng tao narating ang narating ko... at para sa aking parting words: (naks)
I had the blues because I had no shoes until upon the street, I met a man who had no feet. ~Ancient Persian Saying
Thanks!
Uy nag-update ka! Repost mo naman kwento paano kayo nagkakilala ni nimmy. :)
ReplyDeleteLeo Chikadora? nde ba un oxymoronic? ahahah
ReplyDeleteoo nga, sama akong sampu ke mugen, we wanna know the beginnings of the Leo-Nimmy love affair ahahah :P
sige na nga.. wait lang. :)
ReplyDeletegusto ko din yung suggestion ni mu[g]en. whahaha! go na!
ReplyDeleteNakakatuwa. :-)
ReplyDeleteNice to meet you fafa Leo! alam ko kung bakit domesticated ang drama nyo lagi ni nimmy - puro pulot-gata kasi hahaha bukod sa love-story - samahan mo ng X rated? suggestion lang hahaha
ReplyDeleteNice post. =)
ReplyDeleteDropped by. say hi to Nimmy hehe
ReplyDelete