Siempre gigising ako ng maaga. Pero di ko naman alam ang gagawin ko. Bubuksan ko ang TV at magchachannel surf. Sa Channel 5 maabutan ko si SpongeBob at hahalakhak ako ng walang katapusan sa mga kahung-hungan ng isang starfish at sa kakulitan ni SpongeBob. Minsan, feeling ko ako si Squidwirt. Kasi parang andaming nambubully sa akin. Kasi minsan, pagpapasok ako sa office, yung guard sa Robinson, titignan ako, tapos ibubukas ko yung bag ko, tapos ni hindi man lang titingnan. Shux. Eh pano kung maglagay ako ng molotov bomb sa bag ko at ibagsak ko sa gitna ng department store. Masisisi ba nila ang mga terrorists kapag ganun ka-gago ang security level nila. My gosh. Going back sa paggising ko, minsan hindi ako babangon. Titignan ko lang ang cp ko at babasahin ang message ng mahal ko na madaling araw pa niya tinext sa akin. Siempre naman, sasagutin ko yun. Tapos, hilik ulit.
At ito, totoo na. Babangon ako ng alos dose ng tanghali para lumafangga. Anak ng teteng. Walang ulam. Ano ba yan. Bumibili ako sa bahay ng isang sakong bigas for one month na yun. Bakit hindi kaya ako makabili ng ulam na pang-one month rin? Hirap naman maging breadwinner minsan. Parang scavenger hunt lang. At sa wakas I saw something edible sa ref. Kakain ako at pagkatapos, papanoorin ang mga EB babes sa TV. Tatawa ng malakas ulit dahil sila Vic at Jose ay nagpapaparty. Ewan ko ba kung bakit click sa mga Pinoy ang ganitong klaseng panoorin. Slapstick comedy ba ang tawag dun. Tudush! Comedian ka pala.
Maliligo ako at magprepare for work. Sa banyo, medyo naiinis ako sa dami ng shampoo. Di ko alam gagamitin ko. Nakakatakot, kasi my hair is gravitating in the ground. Meaning, nakakalbo na ata ako. Manipis na siya. Kaya hinay hinay lang sa gel minsan. At pagkatapos maligo, kelangan nakatapat ang electric fan sa katawan, dahil kung hindi, pagpapawisan. Nak ng pating naman oh.
Sa office. Masaya ako, kasi ang sasalubong sa akin pagupo ko pa lang ay ang aking mahal. Tapos kakain kami ng halo-halo sa pantry. How sweet. Kahit bumabaha na sa labas dahil sa ulan, halo-halo pa rin. Ang sarap ng buhay talaga.
Paulit ulit man, hindi ako nagsasawa. Dahil diyan, natututo akong sanayin ang buhay ko sa simpleng pamumuhay lang. Dahil diyan, naiisip ko rin na maswerte ako. Dahil sa paulit ulit at araw araw na ganyang pangyayari, eto ako, masaya.
No comments:
Post a Comment
Comments Are Always Welcome! :)